Challenge
Fellow prosers, and my fellow Filipinos, write your poems here in your native / mother tongue, tagalog (for filipinos if you want)
Write in anyway you like, a poem, a prose, a short story. Be the master of your poem.
Choose a theme
Love, love lost, love found, courage, disappointments, hatred, etc. If you want you can also write in English.
Use #IAmAFilipino (if you are) #tula #poem #tagalog
Tag me.
Tulad ng Isang Pagtatanghal
Hanggang kailan ko pa ba maitatago
Ang damdamin kong kadalasan naman ay bigo?
Sa bawat ngiti at bawat halakhak
Ang aking puso, lalong nawawasak
Hanggang kailan pa ba tatagal
Ang aking mga maskarang wala nang kapal?
Hindi mo man batid ang aking nararamdaman
Minsan ang lahat ng ito ay napagsasanayan
Sa bawat araw na ako ay nakatatawa
Sa pagbanggit ng mga salitang nakakasawa
Sa bawat gabing karamihan ay tulog na
Ang aking pusong pagod na pagod na, ang aking emosyon, maging ang aking mundo na tulad ng pagtatanghal sa teatro kapag natapos,
ang mga kurtina mag isa nalang magsasara.
11
2
4