Tulang Walang Musika
Pinipilit isulat bawat titik
At bawat salita
Pinipilit ikubli bawat luha
Sa bawat patak ng tinta.
Pagsulat dati ay tila paghinga
Napakadali sapagkat buhay na buhay.
Buhay na buhay sapagkat nariyan ka,
Musika sa aking tainga.
Ang iyong tinig na isang kapayapaan
Sa gitna ng ingay ng lungsod,
Ang siyang pumapawi sa bawat pagtangis.
Ngunit ngayon walang katapusan
Bawat pagtangis.
Bawat pagtangis ay isang dalangin
Na ikaw ay muling marinig at mahagkan.
Bawat salita pinipilit magtugma
Lahat ng idyoma at biro
Nagamit na,
Ngunit sadyang hindi kumpleto ang tula,
Kapag wala ang musika.
1
0
0